Ngayong buwan ng Agosto, nakikiisa ang Embahada ng Pilipinas sa Canada sa taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika para sa taong 2024.
Para sa taong ito, ang Buwan ng Wikang Pambansa ay may temang, "Filipino: Wikang Mapagpalaya." Ang temang ito ay sumasalamin sa napakahalagang gampanin ng wika bilang lunsaran ng pagpapalaya sa kaisipan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan.
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa!